Showing posts with label Sabi Nila Pag-Ibig. Show all posts
Showing posts with label Sabi Nila Pag-Ibig. Show all posts

Sunday, September 30, 2012

Sabi Nila Pag-Ibig

Una tayong nagkita nung 2005. Hindi ko maexplain ano nararamdaman ko noon pero alam kong may kakaiba sa sayo kaya tuwing makikita kita hindi maipaliwanag na ngiti ang laging makikita sa aking mukha. Masyadong kumplikado ang mga bagay bagay noon. Nasa isang relasyon ako at hindi ko masasabing hindi ako seryoso sa sayo pero talagang hindi ko pa din maialis ang kakaibang saya pag nakikita kita. Hindi tayo nagkaroon masyado ng oras para magusap noong mga taong yun sa kadahilanan na din na pinagbabawalan ko ng taong may karapatan sa akin noon. Parang sa isang kisap mata dumaan ang ilang taon at hindi na kita masyado naiisip pero isang araw nag text ka! Pambihira para kinuryente ang puso ko at muling nabuhay ang pagkagusto ko sayo. Hindi ko mabilang ang mga gabing hinihintay kita magtext na tila ba madalang pa sa patak ng ulan tayo nagkakausap. Dumaan pa ang maraming araw at nagkita tayo! Kahit sa oras na yun akala ko nanaginip lang ako. Nagkita nga tayo. Tumambay sa mga coffee shop at bookstores. Sa mga oras na to ako pinakamasaya. Akala ko dati hindi mo ako mapapansin kasi iba priorities mo. Sa mga araw na un iniisip ko totoo nga ata ang mga sinasabi nila sa mga taong nahuhulog ang loob na tumitigil daw ang mundo. Bagamat alam ko na hindi ko hinayaan na maging ganoon kalalim ang nararamdaman ko, wala akong nagawa. Sa sobrang saya at pagkalango ko sa nararamdaman ko hinayaan ko ang sarili kong mahulog ng tuluyan at walang tinira sa sarili ko.

Ibig kong ibigay ang mundo noon para sa iyo. Nakalimutan ko ang mga bagay na nais kong gawin at abutin nung mga panahong un at wala akong ibang inisip kundi paano tayo magiging masaya. Lumalim ng lumalim ang ating samahan. Lagi tayong magkasama at halos minu-minuto tayo magkausap. Ikaw ang naging mundo ko noon at alam kung nawawala na ako sa mga pinaniniwalaan kong tama at dapat kung gawin. Ako ung tipo ng tao na iniiwasan maattach sa mga tao dahil ayoko ng nasasaktan. Walang gustong masaktan. Pero ako ayoko kahit onti. Pero dahil sayo sinubukan kong isugal ang mga bagay.

Tulad ng ibang pelikulang tagalog hindi naglaon, nag iba ka bigla. Nawala ang dating lambing, hindi ka na ganoon tulad ng dati kung minahal. Hindi ko lubos maisip na mararamdaman ko to. Leche akala ko hindi to nangyayari sa tunay na buhay! Kulang ang lahat ng depinisyon ng panglulumo sa naramdaman ko nung unti unti ka ng nalalayo sa akin. Saan ako nagkamali? Saan ako nagkulang? Na kung kailan ko sinubukan at hinayaan ang sarili ko magmahal ng buong buo ay eto ang napala ko. Binigay ko lahat ng kaya kong ibigay at hinayaan ko ang sarili kong mahulog ng tuluyan at eto ang nangyari. Basag na basag ako ng mga panahong un. Daig ko pa ang nabugbog o naHazzing at ang masaklap pa dun walang gamot sa sakit na nararamdaman ko. Wala akong magawa para maibsan ang paghihirap ko. Dahil ang tanging lunas ko ay ikaw at wala ka na. Bumalik na parang agos ng dalampasigan sa isip ko ang mga ala ala ng ating pagsasama. Sabay natin pinanood ang paglubog ng araw. Lagi tayong nagkukulitan sa telepono at walang gusto magbaba. Masaya na tayo sa panonood ng mga pelikula sa laptop ko habang kumakain ng niluto mong pagkain. Pero heto ako ngayon na ni sa hinagap hindi inakala na eto'y mangyayari.

Sinubukan kong isalba ang pag ibig natin. Ginawa ko pa din ang lahat para maging tulad tayo ng dati. Pero sa tuwing sinusubukan ko lalo lang lumalalim ang sakit na nararamdaman ko. At dito ko napatunayan na hindi na pwede ibalik. Hindi na maibabalik. Yun ay mga ala ala na lang. Ngayon hindi ko alam kung minahal mo nga ako. Pero eto ang tandaan mo. Walang isang segundo noon na hindi ka tinibok ng puso ko. Minahal kita ng higit pa sa alam mo. Pero hanggang dito nalang talaga tayo.